Breaking News

Kawikaan 22:6

KAWIKAAN 22:6 – “ITURO SA BATA, ANG DAANG DAPAT NIYANG LAKARAN,  AT HANGGANG SA PAGLAKI AY HINDI NIYA ITO MALILIMUTAN. “   - “ TRAIN A CHILD, IN THE WAY HE SHOULD GO, AND WHEN HE IS OLD, HE WILL NOT TURN FROM IT. “
SA INYO PONG PALAGAY, ANO PO ANG IBIG SABIHIN NG DAANG DAPAT NIYANG LAKARAN? NA ITUTURO SA BATA?      …INTAYING SUMAGOT       …TAMA PO KAYO…!
HINDI PO ITO DAANG BAKU-BAKU, HINDI RIN PO ITO DAANG LIKO-LIKO O PANGIT NA DAAN… = KASI PO, KUNG MAGKAKAGAYON, EH, MAGKAKAWINDANG-WINDANG ANG ANG BUHAY NG BATA… ANG DAANG DAPAT NIYANG LAKARAN AY HINDI PO MALING DAAN, HINDI PO MASAMANG DAAN, HINDI PO KABALUKTUTANG DAAN, HINDI RIN PO KASINUNGALINGANG DAAN AT HINDI PO KASALANANG DAAN.
KAPAG, NAITURO PO NATIN SA BATA, ANG DAANG KARAPAT-DAPAT NIYANG LAKARAN O TAHAKIN, NA HANGGANG SA PAGLAKI AY HINDI NIYA ITO MALILIMUTAN, AY NANINIWALA PO AKO, NA ITO AY MAGIGING, MALAKING PAKINABANG SA BUHAY O PAGKATAO NG BATA. AT ITO RIN PO AY MAGIGING KALUGOD-LUGOD SA PANINGIN NG DIYOS, SA PANINGIN NG MGA TAO, LALU NA SA KANYANG MGA MAGULANG. AMEN PO!   …AT MAMAYA PO AY ATING ALAMIN, ANG MGA DAANG DAPAT LAKARAN O DAPAT TAHAKIN NG BATA.
SAMANTALA PO MUNA, AY AKING IPAPAKITA SA INYO ANG MGA LIFESTYLE NG ISANG TAONG HINDI PA KUMIKILALA SA DIYOS, MGA TAONG HINDI PA NAPAGHAHARIAN NI JESUS, SA KATUNAYAN PO, KAPAG HINDI PA PO KUMIKILALA SA DIYOS ANG ISANG TAO, O YUN BANG HINDI PA NGA SI JESUS ANG KANYANG PANGINOON AT HARI NG KANYANG BUHAY, YUN BANG ANG DIYOS AT PANGINOON NIYA AY ANG KANYANG SARILI, ANG KANYANG GALING, TALINO O ABILIDAD, ANG KANYANG SALAPI AT KAYAMANAN, ANG KANYANG KAGUWAPUHAN O KAGANDAHAN, AY SIYA PO AY ALIPIN NG DIYABLO, DAHIL KUNG ANO PO ANG GUSTO NG DIYABLO, AY IYON PO ANG GINAGAWA NG TAONG HINDI NGA SI JESUS ANG NAGHAHARI SA BUHAY NIYA.
TINGNAN PO NATIN, SA AKLAT NG JOHN CHAPTER 8: 44 - (AMA NAMING DIYOS, PERO NAG-SI-SINUNGALING, HINDI TOTOONG AMA NIYA ANG DIYOS, KUNDI ANG DIYABLO)   - “ANG DIYABLO ANG INYONG AMA, AT KUNG ANO ANG GUSTO NIYA, IYON ANG INYONG GINAGAWA. SIYA’Y MAMAMATAY-TAO NA SA SIMULA PA, AT KALABAN NG KATOTOHANAN, AT DI MATATAGPUAN SA KANYA ANG KATOTOHANAN KAHIT KAILAN, KUNG SIYA’Y NAGSISINUNGALING, LIKAS NA ITO SA KANYA, SAPAGKAT SIYA’Y SINUNGALING AT AMA NG KASINUNGALINGAN. “
NARITO PO ANG MGA LIFESTYLE, O ANG MGA NAKAGISNAN, NAKAGAWIAN, AT NAKAUGALIANNG ISANG TAO, NA KULANG ANG KAALAMAN, O WALA PANG PUNDASYON NG SALITA NG DIYOS SA KANYANG PUSO / HINDI PA KUMIKILALA SA DIYOS O HINDI PA PINAGHAHARIAN NI JESUS, ANG CHARACTER PO NITO, AY IBA SA CHARACTER NG PANGINOON, AT SALUNGAT SA KALOOBAN NG DIYOS : narito po:
1.       ALAM NIYANG MAY DIYOS AT NANINIWALANG MAY DIYOS, PERO HINDI PO MAKITA SA BUHAY NIYA YUNG KAPANGYARIHAN NG DIYOS NA PINANINIWALAAN NIYA. (ANO PO ANG NANGYAYARI, KAPAG NARANASAN NG TAO ANG KAPANGYARIHAN NG DIYOS SA BUHAY NIYA?  …NAGBABAGO ANG BUHAY)
2.       HINDI SIYA GUMAGAWA NG MASAMA SA KANYANG KAPWA, SAPAT NA SA KANYA IYON, (EH DI NGA GUMAGAWA NG MASAMA, PERO NAKAKASAKIT NAMAN SIYA NG DAMDAMIN NG KANYANG KAPWA. = BIBIG)
3.       GUMAGAWA SIYA NG MABUTI… PERO NAGHIHINTAY NG KAPALIT. OCCATIONAL LANG
4.       NAGSISIMBA SIYA, PERO ANG NANGYAYARI AY SIMBA UWE (SIMBA TAPOS UWE) WALANG NANGYAYARI.
NAKAGISNAN PO NG TAONG ITO, SA KANYANG BUHAY,  NA SIYA AY MAY MGA BISYO, TULAD NG ALAK, SUGAL, SIGARILYO, PAMBABABAE O PANLALALAKI AT NG BAWAL NA GAMOT.
NAKAGAWIAN NA PONG NAG-MUMURA, AGAD AGAD NAGAGALIT, TODO-TODO KUNG MAG-MURA AT MAGALIT, NAKAGAWIAN NA PO ANG MAG TANIM NG SAMA NG LOOB, HINANAKIT, POOT AT GALIT SA KANYANG KAPWA, SA KANYANG KAPATID, ASAWA, MAGULANG, AT MGA ANAK,NAKAGAWIAN NA PO ANG MANG AWAY    AT  HINDI MAGPATAWAD AT UMUNAWA, SA HALIP ANG GINAGAWA PO AY ANG MAG HIGANTI SA KANYANG KAPWA. …KUNG MERON PO SIGURONG, KAKILALANG MANGKUKULAM,  EH,  IPINAKULAM NA ANG KANYANG KAPWA (HEHE)  
NAKAGAWIAN NA PO NIYA ANG MASAMANG ASAL, …KABUTIHANG ASAL PO BA, ANG HINDI GUMALANG SA MGA NAKAKATANDA SA KANYA, ANG HINDI GUMAMIT NG PO AT OPO,  …KABUTIHANG ASAL PO BA, ANG MAGTAPON NG BASURA SA HINDI DAPAT PAGTAPUNAN? (HINDI KA NA NGA TUMUTULONG MAGWALIS, NAGKAKALAT KA PA. AH, KASI PO,NAKITA MO SA KAPWA MO… TAMA PO BANG TULARAN ANG MASAMANG ASAL?). …KABUTIHANG ASAL PO BA, ANG KUMUKUHA NG ANO MANG BAGAY SA BAKURAN NG IYONG KAPITBAHAY, NANG HINDI NAGPAPA-ALAM? KASI PO, KAYA HINDI NA IPINAALAM, AY HINDI KASI PAPAYAGAN NG MAY ARI NG BAHAY… PERO KAHIT PO MALIIT NA BAGAY LAMANG ANG KANYANG KUKUNIN, KAHIT NGA PO ALIKABOK LANG, AT HINDI PO ITO, IPINAG-PAALAM, ITO PO AY PAGNANAKAW.   (AT MARAMI PA PONG IBANG KABUTIHANG ASAL - GOOD MANNERS & RIGHT CONDUCT)
KAPAG KA PO, KULANG O WALA TAYONG PUNDASYON NG SALITA NG DIYOS, SAAN PO NAPUPUNTA ANG ATING PANINIWALA O PANANALIG? …SA ATING NAKAUGALIAN, MAS PINANINIWALAAN NATIN YUNG SINASABI NG ATING KAPWA AT KAPITBAHAY, NAPUPUNTA YUNG PANINIWALA NATIN DOON SA SINABI NG ATING MGA NINUNO “ANG PAMAHIIN”   HALIMBAWA,  #1. KAPAG MAY BAGYO, MAGSUNOG KA NG TUYONG PALASPAS AT HIHINA ITO.  #2. OOPS, TEKA MUNA, HUWAG MUNA KAYONG AALIS, PAIKUTIN MUNA ANG PLATO…  AT MAAKSIDENTE DAW, #3. HUWAG NA KAYONG TUMULOY, MAY DUMAAN NA ITIM NA PUSA… #4. BAWAL PUMUNTA SA PATAY NG MAY SUGAT AT HINDI GAGALING, BAWAL MAG LINIS O MAGWALIS NG KALAT, KAPAG MAY NAKABUROL NA PATAY. #5. NAG-KAKATI ANG PALAD, MAGKAKAPERA DAW, HUWAG MAGWAWALIS SA GABI, AT LALABAS ANG SWERTE. #6. MAG HANDA NG 12 URI NG PRUTAS NA BILOG, KAPAG MAG PA-PASKO AT  MAG BA-BAGONG TAON.  #7. MAG HANDA NG PANSIT SA BIRTHDAY AT DEC. 31, PANG-PAHABA DAW NG BUHAY.
KAPAG KULANG PO TAYO NG SALITA NG DIYOS, DOON PO SA PAMAHIIN, NAPUPUNTA ANG ATING PANINIWALA AT PANANALIG, KAYSA SA DIYOS AT SA ATING PANGINOONG JESU-CRISTO AT SA KANYANG MGA SALITA.
SINO PO ANG DAPAT NATING PANIWALAAN AT PANAMPALATAYANAN, ANG DIYOS AT ANG KANYANG MGA SALITA O ANG MGA PAMAHIIN NG ATING MGA NINUNO?  DI PO BA, MAS KARAPAT-DAPAT, NA PANIWALAAN AT PANAMPALATAYANAN  AT PANGHAWAKAN NATIN ANG SINABI NG DIYOS, ANG MGA SALITA NG DIYOS. AMEN PO.
SAPAGKAT ANG SALITA PO NG DIYOS AY BUHAY AT MAKAPANGYARIHAN, KAPAG ITO’Y ATING PINANIWALAAN AT TINANGGAP NATIN SA ATING PUSO AT ITO’Y ATING ISINABUHAY, MARAMI PO ITONG PAKINABANG SA BUHAY NATIN, ISA NA PO DIYAN ANG BAGONG BUHAY, BUHAY NA GANAP AT KASIYA-SIYA, BUHAY NA WALANG HANGGAN SA PILING NG DIYOS NA MAKAPANGYARIHAN, AT MARAMING MARAMI PANG IBA.
NGAYON PO, ANG LIFESTYLE, O ANG MGA GAWI NG ISANG TAONG HINDI PA KUMIKILALA SA DIYOS, YUNG HINDI PA PINAGHAHARIAN NI JESUS, ITO PO BA, ANG MGA BAGAY, NA DAANG DAPAT, NA ATING  ITUTURO SA BATA? ANG ITUTURO PO BA NATIN SA BATA, AY ANG MAGKAROON SIYA NG MGA BISYO, ANG MAGING MAGAGALITIN AT MAPAG MURA, MAPAGTANIM NG GALIT AT SAMA NG LOOB AT HINDI MAKAGPATAWAD SA KANYANG KAPWA, ITUTURO BA NATIN SA BATA ANG MASASAMANG PAG-U-UGALI, ITUTURO PO BA NATIN SA BATA ANG HINDI MANALIG SA DIYOS, SA HALIP AY SA PAMAHIIN NA LANG? KUNG ITO PO IYON, AY HINDI NA PO DAPAT  ITURO SA BATA, SAPAGKAT, ITO NA PO ANG SISTEMANG UMIIRAL SA MUNDONG IBABAW.   ANG SABI PO AY,  “ ANG NAKIKITA PO NG BATA, NA SA KANYANG PANINGIN  AY TAMA, ITO AY KANYANG GINAGAWA. “
MAGIGING MALAKING PAKINABANG PO BA ITO SA BUHAY NG BATA? AT KALULUGDAN PO BA SIYA NG DIYOS? MATUTUWA KAYA SA KANYA ANG KANYANG MGA MAGULANG? (MERON NGA PONG MAGULANG, NARINIG NIYANG NAG MUMURA ANG KANYANG ANAK, EH NATUWA PA SIYA. HEHE) ANG SAGOT PO AY HINDI, DAHIL NGA PO SA, ANG LIFESTYLE NA ITO O ANG MGA NAKAGISNAN, NAKAGAWIAN AT NAKAUGALIAN, AY SALUNGAT SA KALOOBAN NG DIYOS.
EFESO 6:4 - “MGA MAGULANG, HUWAG NINYONG IBUYO SA PAGHIHIMAGSIK, LABAN SA INYO ANG INYONG ANAK, DAHIL SA MALABIS NINYONG KAHIGPITAN; SA HALIP, PALAKIHIN SILA, SA TUNTUNIN AT ARAL NG PANGINOON.” …ITURO PO NATIN SA KANILA ANG KABUTIHANG ASAL, ANG MGA ARAL O SALITA NG ATING PANGINOONG JESUS.
SINO PO ANG AAYAW, NA ANG BATA AY LALAKING KINALULUGDAN NG DIYOS, SINO PO ANG AAYAW, NA KAPAG NAITURO SA BATA ANG DAANG KARAPAT-DAPAT NIYANG LAKARAN O TATAHAKIN AY MAGIGING MALAKING PAKINABANG SA KANYANG PAGKATAO, SINO PO ANG AAYAW, NA ANG BATA, SA KANYANG PAGTANDA AY KALIGTASAN ANG KANYANG TATAMUHIN.
KUNG IBIG PO NATING, MALIGTAS ANG ATING MGA ANAK SA KAPAHAMAKAN DITO SA LUPA AT SA IMPIYERNO, IBIG PO NATING MATUTO ANG BATA SA DAANG DAPAT NIYANG LAKARAN, KUNG IBIG PO NATING, KALUGDAN NG DIYOS ANG BATA,      AY TAYO PO MUNA, ANG MAG PA TURO SA PANGINOON, TAYO PO MUNA ANG MAG PA HUBOG SA PANGINOON, TAYO PO MUNA ANG DAPAT MALIGTAS,   …KAILANGAN PO NATING AMININ, SA HARAPAN NG ATING DIYOS, NA TAYO’Y NAG KAMALI, NAGKULANG AT NAGKASALA,  TAYO PO’Y MAGPAKUMBABA SA HARAPAN NG ATING DIYOS… AT HANGARIN PO NG ATING PUSO, NA TAYO’Y LINISIN NG PANGINOONG JESUS SA LAHAT NG ATING KARUMIHAN AT HANGARIN PO NATIN NA, MAPAGHARIAN TAYO NG ATING DIYOS AT MAKALAYA SA PAGKAKA ALIPIN NG DIYABLO SA BUHAY PO NATIN, AT TAPAT PO ANG ATING DIYOS, MAHABAGIN, MAPAGMAHAL AT MAPAGPATAWAD ANG ATING DIYOS.
KUNG TAYO PO AY MAGSISISI NG LUBOS LUBUSAN AT TATALIKOD SA ATING MGA LIKONG GAWA AT KASALANAN AY LILINISIN NIYA PO TAYO SA LAHAT NG ATING MGA KARUMIHAN AT KASALANAN, PALALAYAIN NIYA TAYO, PATATAWARIN AT BIBIGYAN NG  BAGONG BUHAY, SA PAMAMAGITAN NG PAGTANGGAP PO NATIN KAY JESUS SA ATING PUSO, BILANG ATING TUNAY NA PANGINOON AT TUNAY NA HARI NG ATING BUHAY, HINDI NA PO ANG ATING MGA SARILE ANG ATING PANGINOON.    KAPAG SI JESUS NA PO ANG NASUSUNOD SA ATING MGA BUHAY, SI JESUS NA RIN PO ANG NAGHAHARI SA ATING MGA BUHAY AT NARANASAN NA PO NATIN ANG PAGKILOS NG DIYOS SA ATING MGA BUHAY… AY…
HUWAG NA HUWAG PO TAYONG HIHINTO O TITIGIL, SA PAGDALO SA MGA GANITONG PAGTITIPON, SA PAKIKINIG NG SALITA NG DIYOS, HUWAG PO TAYONG HIHINTO SA PANANALANGIN, AT HUWAG PO TAYONG HIHINTO SA PAGBABASA NG BIBLIYA, (SINO PO ANG WALA PANG BIBLIYA, ITAAS ANG KAMAY, …SI BRO. MARLON NA PO ANG BAHALANG MAGTURO SA INYO, KUNG SAAN PO ANG BILIHAN, BIRO LANG PO.)     DAHIL KAPAG TAYO PO AY HUMINTO O TUMIGIL SA PAGDALO O PAKIKINIG NG SALITA NG DIYOS, TUMIGIL SA PANANALANGIN AT PAGBABASA NG BIBLIYA, AY MADALI PO TAYONG MABAWI NG DIYABLO SA KAMAY NG ATING PANGINOONG JESUS.



SIZE 20.4 KB 0905 2688696 SAN NICOLAS/SANGGALANG BIBLE STUDY

No comments

Today is